Abante Tonite Interactive

DFA: 169 Pinoy abroad tinamaan ng COVID

657

Umabot na sa 169 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang bansa na kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes.

Sa ulat na inilabas ng DFA sa official website nito, inihayag ng kagawaran na mula sa nasabing bilang ay 77 Pinoy ang isinasailalim sa gamutan habang 90 naman ang gumaling at nakalabas na sa ospital.

Nakasaad din sa ulat ng DFA na 111 Pinoy sa Asia Pacific Region ang naitala na may COVID-19; 18 sa Gitnang Silangan, 20 sa Europe, at 20 rin sa Americas,

Dalawang Pinoy naman ang iniulat ng DFA na nasawi sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

virus.

Kabilang sa nasawi si Dr. Alan Ortiz, presidente ng Philippine Council for Foreign relations, at isa pang Pinoy na nakabase naman sa Asia Pacific region.

Si Ortiz ang unang Pilipino na nasawi dahil sa COVID-19. Inimbita siya ng pamahalaan ng France para sa isang security conference sa Paris subalit pumanaw noong Lunes ng umaga dahil sa “complications from COVID-19”, ayon sa kanyang anak na babae. (PNA)