Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA: Donasyon kontra COVID P34M na

0 174

Umabot na sa P34 milyon ang kabuuang donasyon na natanggap ng gobyerno hanggang nitong Agosto 21 para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Base sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, ang mga donasyon ay galing umano sa limang bansa at 40 domestic donor na ipinadala ang kanilang mga ayuda sa Office of Civil Defense.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihayag din ng DFA na ilulunsad ng gobyerno sa Agosto 24, Lunes, ang Philippine Humanitarian Assistance Registry (PHAR) website para magkaroon ng “transparency and accountability” sa mga donasyong ibinibigay sa pamahalaan kaugnay ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19. (PNA)

Ang inisyatiba para sa PHAR ay iprinisenta ng DFA sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease noong Agosto 17. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.