Abante Tonite Interactive

DFA kinuwartahan sa passport contract

By
180

Ipinahiwatig ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary ­Teodoro ‘Teddyboy’ Locsin Jr. na mayroong kumita sa pagpapalit ng contractor ng kagawaran para sa pag-iimprenta ng mga passport.

Kasunod na rin ito ng ibinunyag ni Locsin na tinangay ng da­ti nilang contractor ang mga passport data ng DFA nang tapusin ng kagawaran ang kontrata nito.

Isang netizen ang nagtanong kay Locsin kung bakit kinakaila­ngang i-terminate ang kontrata ng DFA sa contractor nito.

“And by the way, why was the previous contractor terminated? New technology? Then demand it to acquire the new technology but leave the job to it. Di ba? But that means no kickback. In short, people made money by cha­nging contractor. Ano pa? Syet,” sabi ni Locsin sa kanyang Twitter post.

Sa isa pang tweet ni Locsin, inilarawan pa nito ang dating contractor sa pag-iimprenta ng passport na “the most respectable company”.

“What I heard and there are so many stories in the affected department they sued us for wrongful termination. In fact it was the most respectable com­pany, fo­reign, French even. So why? Kaching, Kaching, Kaching, Kaching,” sagot ni Locsin sa tanong ng isa pang netizen kung magsasampa ba ng kaso ang DFA dahil sa pagta­ngay ng dati nilang contractor sa kanilang passport database.

Isa pang pahiwatig ng Kalihim na may pe­rang sangkot sa na­ging desisyon ng DFA na magpalit ng contractor para sa pag-iimprenta ng passport ay nang i-quote ng netizen na si Roy Mabasa si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa sinabi nito noong 2016 na maaaring sampahan ng kasong kriminal ang Asian Productivity Organization (APO) Production, Unit Inc. at Uni­ted Graphic Expression Corp. (UGEC) dahil sa pagsa-subcontract ng kontrata.

“How does one win a contract for something he has no equipment or know how to perform? The millions if $s question,” ayon pa kay Locsin.

Samantala, kinuwestiyon ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel ang kontratang ibinigay ng DFA sa dati nitong contractor na hawakan ang buong database ng mga passport holder.

Ayon sa senador, dapat na maipaliwa­nag ng DFA ang mga nakapaloob na kondisyon sa kontrata at kung sino rin ang kalihim ng DFA na nagpahintulot nito.

“Dapat magpaliwa­nag ang DFA kung bakit nangyari yan. Paano naging possible yan? Bakit walang kopya ang DFA sa data na sa kanila naman nag apply? Sino ang contractor?” anang senador.

“Ano ang terms ng contract with the passport provider? Bakit nandun ang provision na hawak ng provi­der ang lahat ng data at walang kopya ang DFA, at Sino ang pumayag ng ganitong kontrata dyan sa DFA? Sino ang secretary nung panahon na yun?” dagdag pa ng mambabatas.

NPC MAG-IIMBESTIGA
Nagpahayag na rin ang National Privacy Commission (NPC) na mag-iimbestiga sila sa kontrobersiyal na pagtangay ng dating contractor sa database ng DFA.

“Any form of non-availability of personal data, infringement of the rights of data subjects, and harms from proces­sing that include inconveniencing the public, must be adequately explained to the satisfaction of the law,” paha­yag ni NPC Commissio­ner Raymund Liboro.

DFA INUPAKAN NG
MGA NETIZEN

Umusok din ang social media (Facebook, Twitter at Reddit) sa galit ng mga netizen sa nangyaring pagkawala ng database ng DFA sa kanilang mga passport holder.
“Bkit hindi ninyo idimanda yung contrctor n yan.ang hirap din kumuha ng birth certificate lalo na pag may error kami na nmn mmayang Pilipino ang maghihirap nito anong silbi ng passport naming q1ng kaylangan pa ng birth certificate pag nag renew. Hayyyy!!! Buhay!,” sabi ni Bocthchoy C. Castre.

“Bakit ang government agency na humahawak ng mga sensitive data ng mamamayang pinoy ay may contractor? At wala man lang sariling backup,” komento ni Juan in Oman.

“Is there no MOA signed between the employee (regardless of status) and the government? This is an extremely serious matter. I do hope that this will serve as a lesson to all government agencies to tighten their security arrangements in terms of handling data and information of their clients and constituents,” sabi ni Sixto Laus Bayangan.

“Great, so we are now at risk of identity theft,” ayon kay Kharl Bobis.

“Walang back up ang government. Tapos walang pananagutan ang contractor. Very good. May something sa likod nyan…as ­usual,” ani Donna Cho.