Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA nagbabala ng passport scam sa FB

0 227

Inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko hinggil sa passport scam gamit ang social media katulad ng Facebook.

Base sa abiso ng DFA nitong Sabado, walang anomang kompanya o tao ang binigyan nila ng pahintulot para mag-alok at tumanggap ng passport appointment.

Babala ng DFA sa publiko na huwag papatulan ang mga ganitong alok na serbisyo para sa mga nais makakuha ng pasaporte.

Dagdag pa ng DFA na dahil sa mga community quarantine na umiiral sa kasalukuyan ay makabubuti kung abangan ng publiko ang mga anunsyo nila, gayondin ng mga local government unit bago magpa-schedule para sa pagkuha ng pasaporte. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.