Abante Tonite Interactive

DFA nakatutok sa New Zealand mass shooting

169

IPINAHAYAG nitong Sabado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pa silang natatanggap na impormasyon kung may Pinoy na namatay o nasuga­tan sa mass shooting sa New Zealand.

Sa isang statement, binanggit ng DFA na base sa natanggap nilang impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Wellington, wala pang impormasyon na may nadamay na Pinoy sa mass shoo­ting.

Umaabot sa 49 katao ang nasawi sa gina­wang pamamaril ni Brenton­ Harrison Tarrant, 28-anyos na Australian citizen, sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand noong Biyernes, Marso 15. Mayroon namang 40 katao ang sugatan sa nasabing pamamaril.

Humarap na sa korte sa Tarrant nitong Sabado kaugnay ng isinampang isang count ng murder case pero inaasahan na madaragdagan pa ito. Ipinag-utos naman ng judge sa mga photographer na labuan ang mukha ng akusado upang mapreserba ang kanyang karapatan.

Hindi pa pinapanga­lanan ng awtoridad ang mga nasawi sa mass shooting.