Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA passport service sa mga mall hanggang Dec 2021

0 76

Anim na temporary offsite passport services (TOPS) na matatagpuan sa mga mall sa Metro Manila ang magpapatuloy ng operasyon hanggang December 2021.

Target nitong matugunan ang tumataas na bilang ng mga passport appointment, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Matatagpuan ang anim na TOPS sa SM Mall of Asia, SM North EDSA, SM Aura, Robinsons Place Las Pinas, Robinsons Place Magnolia at Ayala Glorietta 3.

Sa kasalukuyan, may pitong TOPS sa Metro Manila at isa sa Olongapo City, Zambales.

Subalit limitado lamang ang mga pasilidad ng TOPS ng DFA sa pagtanggap ng mga passport application at pagkuha ng mga biographical detail ng aplikante. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.