Abante Tonite Interactive

DFA, PCO may nilulutong programa sa OFWs

78

Kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mayroong nilulutong planong programa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamumuno ni Secretary Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Andanar na napag-usapan nila ang mga programa para sa PTV at sa government radio para matulungan ang mga OFW, mga gustong maging OFW at kanilang mga pamilya.

Inihayag ni Andanar na totoong maraming OFW ang nangangailangan ng legal assistance dahil  may mga lumalabag talaga sa batas sa mga bansang kanilang pinupuntahan dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman sa mga batas at iba pa.

Idinagdag pa ni Andanar na pinaplano na nila ni Secretary Cayetano ang programang ito para sa mga OFW  para bago pa man pumutok ang problema ay nandoon na ang DFA para sila ay tulungan bilang kinatawan ng pamahalaan  na bahagi din ng mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.