Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA sa Aseana, Alabang sarado muna

0 341

Simula ngayong Lunes, Hulyo 6, sarado muna ang mga consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana, Parañaque City at sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City para isailalim ang mga ito sa disinfection.

Sa isang public advisory, sinabi ng DFA na kanilang ihahayag sa mga darating na araw kung kailan ulit magbubukas ang mga nasabing tanggapan.

Hindi naman inihayag ng DFA kung may nagpositibong kaso ng COVID-19 infection sa hanay ng mga empleyado sa dalawang tanggapan para magresulta sa pansamantalang pagsasara ng mga ito.

Layon lang umano nila na malinis ang kanilang mga pasilidad bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.