Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA: Supply ng baboy apektado ng ASF

0 94

Muling kumakalat ang African Swine Fever (ASF) sa bansa at maaari umanong magkulang ang suplay ng baboy pagpasok ng Disyembre ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa departamento, pumalo na sa 316,637 ang mga pinapatay na baboy dahil sa ASF para hindi na kumalat ang sakit. Sabi ni DA Undersecretary William Medrano, bumaba ang kaso ng ASF nang isinailalim sa enhanced community quarantine ang malaking bahagi ng bansa.

“Bumaba po nung nag-ECQ pero ngayon ay medyo tumataas na naman,” sabi ni Medrano. Kahapon, kinukumpirma pa ng DA kung ASF ang ikinamatay ng ilang mga baboy sa San Rafael sa Bulacan kamakailan.

Ani Medrano, kulang ng 45 araw na suplay ng baboy ang bansa sa katapusan ng Disyembre base sa forecast ng DA. Sabi pa ni Medrano, may ASF na sa siyam na rehiyon sa bansa at 28 lalawigan na ang apektado.

Nagkaroon din ng ASF outbreak sa Pangasinan, La Union, at Quezon nung Hunyo. Nakaranas naman ng outbreak muli sa Quezon, Laguna, Rizal, Kalinga, La Union, Zambales, Batangas, Pangasinan, Cavite, at Isabela. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.