Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA tigil-operasyon ngayon

0 29

Tigil-operasyon muna ang passport at consular services ng Department of Foreign Affairs ngayong Lunes, May 9, araw ng halalan.

Sa anunsyo na inilabas noong Biyernes, sinabi ng DFA na suspendido muna ang kanilang serbisyo sa lahat ng consular offices sa buong bansa.

Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 1357, na nagdedeklarang special non-working holiday ang National at Local Elections.

SM food to go Banner Ad

Sarado rin muna ang walk-in applications para sa passport at apostille o authentication service.

Magbabalik naman ang operasyon kinabukasan, May 10. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.