Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DFA worker swak sa Taguig buy-bust

0 88

Nasakote ng mga tauhan ng Taguig City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang apat na umano’y tulak, kabilang ang isang empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations, Martes sa Taguig City.

Kinilala ng Taguig Police ang suspek na si Dennis Pecson, 61-anyos, tauhan ng DFA, at residente ng Marimar Village 1, Parañaque City.

Inaresto ang suspek alas-10:30 ng gabi sa Sta. Teresa, North Daang Hari matapos ang isinagawang operasyon, at nasabat umano ang nasa 7.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,320 at P200 buy-bust money.

Samantala, nalambat ng mga tauhan ng SDEU ang tatlong suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Gen. Luna St., Barangay Ususan, Taguig bandang alas-kuwatro ng hapon.

Arestado sina Joshua Guevarra, 23, at Joanne Guevarra, 29 na kapwa residente ng Taguig City; at Paolo Pascual, 30, ng Sta. Ana Kaliwa, Pateros.

Nakumpiska mula umano sa mga suspek ang nasa 10.5 gramo ng shabu na nasa P71,400 ang halaga, at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Taguig Custodial facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 sa kanila. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.