Abante Tonite Interactive

DH na balik ‘Pinas, gawing welder

258

Dapat hikayatin ng gobyerno ang mga nagbabalik bansang Pilipino household service worker (HSW) na maging welder, ayon sa isang kongresista.

Kakailanganin ang mga ito sa proyektong Build, build, build ng administrasyong Duterte.

Binanggit ni ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III na hindi man tradisyunal na trabaho para sa kababaihan ang pagwe-welding, maraming ma­nufacturing at construction firm sa loob at labas ng bansa ang mas gusto ng mga babaeng welder dahil mas pirmis at kalmado ang kamay ng mga ito.

Sa katunayan aniya mas pinapaboran ng mga semiconductor at electronic na kompanya ang mga babaeng trabahador.

“We have a persistent shortage of welders here at home because fewer Filipinos are entering the vocation, and many of our welders have gone to greener pastures abroad. We expect the lack of welders here at home to worsen in the months ahead, considering President Duterte’s prog­rammed massive infrastructure spending,”

Inihayag ni Bertiz na ang bahagi ng P7B na pondo ng gobyerno para sa libreng pagsasanay at technical vocational education ay dapat ilaan samga nagsisiuwing HSW na desididong magpalit ng trabaho bilang welder.

Puwede aniyang targetin na i-recruit ng gobyerno ang mga HSW mula sa Middle East partikular na ang mga high school graduate o undergraduate, gayundin ang mga underpaid.

Kapag nagkaroon aniya ng ibang opsyon ang mga kababayang HSW bukod sa magkakaroon ng tsansa ang mga ito na kumita ng mas malaki ay hindi na rin papangarapin pa na mag-abroad para kumayod.