Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di ako kapit tuko – Cayetano

0 551

Pinagdiinan ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi siya kapit tuko sa kanyang posisyon.

Kasunod ito ng ulat na ang kagustuhan niya umanong mananatili sa posisyon ang dahilan kaya ibinasura ang franchise renewal ng ABS-CBN bilang reward.

Paliwanag pa ng Cayetano, kahit kailan ay wala silang naging usapan ng Pangulo tungkol sa pananatili niya bilang House leader at higit sa lahat wala silang pinag-usapan hinggil sa ABS-CBN bilang reward.

“Wala kaming usapan ng Pangulo about staying, wala kaming usapan ng Pangulo na any reward or whatever sa ABS-CBN. Ang commitment ko lang sa kanya was to have a fair hearing, and then to decide kung ano ang best sa ating bansa,” giit pa ni Cayetano. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.