Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di ako katulad ng aking mga ninuno – BBM

0 47

Umapela si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na huwag siyang husgahan sa pamamagitan ng kanyang mga ninuno kundi sa pamamagitan ng kanyang mga aksiyon.

“Judge me not by my ancestors, but by my actions,” lahad ni Marcos, sa ibinahaging statement ng kanyang spokesperson na si Atty. Vic Rodriguez.

Hindi lamang umano magiging pangulo si Marcos Jr. sa mga sumuporta sa kanya kundi maging sa mga hindi bumoto sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ni Rodriguez, makikipag-ugnayan si Marcos Jr., sa international community upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Si Bongbong ay anak ng namayapang diktador na si Ferdinand Marcos Sr., na ang ilang dekadang pamumuno sa bansa ay naugnay sa katiwalian at mga paglabag sa karapatang pantao. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.