Abante Tonite Interactive

‘Di ako nakuryente — Alejano

By
1,955

Nanindigan si Magdalo Rep. Gary Alejano na siyento por siyentong tumpak ang nasagap nitong impormasyon na pinatigil na diumano ng Malacañang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

“Hindi kuryente ‘yan. I am 100% sure because the person, the source, has the authority and he relayed to me the information personally,” paghahayag ni Alejano sa panayam ng himpilang DZBB kahapon.

Nauna ng itinanggi­ ng gobyerno ang pa­ratang ni Alejano at posibleng nakuryente o nabigyan ng ma­ling impormasyon ang mambabatas.

Abante Hiring – IT dep

“Ganito ang information dyan, mayroong instruction na huwag nang magpatrolya sa Scarborough Shoal and West Philippine Sea kasi nga wala din namang effect ‘yan at baka ma-offend pa ang China,” paliwanag ni Alejano.