Abante Tonite Interactive

‘Di bababa sa 2 SEAG sepak takraw gold — Caballero

308

Umalis nitong Miyerkoles ang Philippine Sepak Takraw Team tu­ngong South Korea upang sumailalim sa isang buwang training camp bilang paghahanda para sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019.

Binubuo ang pambansang koponan ng limang babae at 14 na lalaking atleta kasama ang pitong coaches at apat na medical staff ng Philippine Sports Institute (PSI) na maghahan­da at magsasanay sa ilalim ng Korean Sports and Olympic Committee Training­ Center sa Incheon.

Sinabi ni Pilipinas Sepak Takraw President at Philippine Olympic Committee Deputy Secretary General Karen­ Tanchanco Caballero, na matapos magsanay sa Korea ay ipagpapatuloy ng mga SEA Games-bound takraw players ang paghahanda sa Maynila.

“They are also set for more intensive training camp and international exposure in Thailand between August and early November,” hirit ni Caballero.

Nangako si Caballero na gagawin ang makakaya upang makapagbigay sa bansa ng hindi bababa sa dalawang gold sa kada dalawang taong SEA Games kung saan makakatapat nito ang world’s best Thais.

Paglalabanan sa sepak takraw ang anim na gold sa SEAG — dalawa ang nakataya sa women’s division at apat sa men’s side. (Lito Oredo)