Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di bakunado bawal sa Olongapo

0 136

Umarangkada na sa Olongapo City ang implementasyon ng “no vaccine, no entry” sa mga hindi residente ng lungsod bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Anthony Bayarong, chief ng Olongapo City Public Affairs Office nagpalabas ng direktiba ang pamahalaang lungsod na maglatag ng border checkpoint at inatasan ang mga non-resident na magprisinta ng pruweba ng pagpapabakuna bago pumasok sa Gapo.

“No vaccine, no entry po tayo sa Olongapo for non-residents. As a reminder always bring your vaccine card. Please be safe everyone,” ayon sa inilabas na abiso ni Bayarong social media.

Isa ang Olongapo City sa limang lugar sa Central Luzon na isinailalim sa Alert Level 3 epektibo nitong Enero 9 hanggang 15.

Kasama rin sa alert level 3 ang Bataan, Pampanga, Zambales at Angeles City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.