Abante Tonite Interactive

‘Di binigyan ng pera, anak sinunog ang bahay

0 295

Sunog ang isang bahay matapos itong silaban ng anak na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip nang ‘di ito binigyan ng pera ng magulang sa Sitio Mangga, Barangay Cagay, Roxas City.

Labis ang panlulumo ni Marcelino nang abo na lamang ang nadatnan sa kanilang bahay na sinunog mismo ng sariling anak na ‘may sayad.’
Ayon kay Marcelino, bago sila umalis ng bahay para pumunta sa lamayan ay humingi ng pera ang anak na si Ted (‘di tunay na pangalan) para pambili ng alak.

Dahil hindi napagbigyan ay nagalit at sumama ang loob ng anak hanggang sa walang pakialam nitong sinunog ang kanilang bahay.

Dahil wala nang masisilungan ay nagpasya naman ang magulang na sampahan ng kasong arson ang sariling anak.

Sa panayam ay ikinatwiran umano ng suspek na kaya nito sinunog ang bahay ay dahil gusto lang niya itong linisin.