Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Di binigyan pera, tatay hinabol ng saksak

0 79

Nahaharap sa kasong attempted parricide ang isang 18-anyos na binata nang pagtangkain nitong patayin ang tatay dahil lamang sa pera sa Biñan City, Laguna Biyernes ng hapon.

Nakakulong ngayon sa Biñan police station si Bernie Vergara Jr. matapos maaresto ng mga barangay tanod at iturn-over sa mga pulis.

Sa report, nagkakape sa kanilang bahay ang tatay na si Bernie Vergara Sr. nang lumapit ang kanyang junior at humingi ng pera.

Matapos tumanggi ang tatay, umalis ang anak pero pagbalik ay armado na ng kutsilyo at sinugod ng saksak ang magulang.

Nakatakbo palabas ng bahay ang tatay samantalang naharang mga tanod ang humahabol na anak.

Desidido ang tatay na sampahan ng kaso ang anak. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.