Abante Tonite Interactive

‘Di buwag ang KathNiel – Daniel

587

tonite-imo-vinia-vivarOkay na okay naman pala kay Daniel Padilla na hindi muna sila magkasama ni Kathryn Bernardo sa isang proyekto. May gagawin kasing movie ang young actress with Sharon Cuneta and Richard Gomez, at hindi kasama si DJ.

Ayon sa batang aktor sa panayam ng ABS-CBN, suportado niya si Kathryn at excited nga raw siya sa movie nito.

“Excited ako para kay Kathryn kasi siyem­pre mayroon siyang project. Mag-isa siya, I mean wala lang ako and I think maganda ‘to para sa kanya dahil maggo-grow siya bilang actor,” sey ni Daniel.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag pa ng young actor, hindi naman daw ibig sabihin nito ay buwag na ang KathNiel loveteam.

“It doesn’t mean na ‘pag naghiwalay kami mayroon na kaming iba ng kasama. Hindi naman kailangan may partner na agad e,” sabi pa ni DJ.

Who knows, baka raw siya ay may gawin din na out of nowhere ang istorya.

Kami man ay pabor na paghiwalayin muna sila para naman makita rin natin ang feedback kapag nag-solo na sila. Sooner or later ay darating din naman talaga ang time na maghihiwalay sila at hindi naman sila talaga forever na nakatali sa loveteam.

Pero sa ngayon, let the fans enjoy the two of them together sa pelikulang ‘The Hows of Us’ na mapapanood na sa Aug. 29.
***

Mensahe ni Jodi kay Thirdy, tagos sa puso

Sobrang nakaka-touch naman ang mensahe ni Jodi Santamaria sa kanyang anak na si Thirdy, and not only for him kundi sa mga darating pa niyang mga anak.

Sa Instagram post ni Jodi, nagbigay siya ng mga mahahalagang pointer para maging gabay ni Thirdy.
“To My son and my future children.

“When you came into this world, I knew right then that you were the most beautiful thing I have ever seen. Every­thing that was previous­ly ordinary and mundane have now become brighter and more beautiful because you were seeing it with me. You taught me about appreciating real beauty, subtle beauty and the beauty of simplicity.

“I pray and hope that you continue to be a stand up young man. I pray and hope that the lessons I share to you won’t be forgotten and have set your moral compass. Thank you for being a good son.

“As your mom, it is my privilege to impart these important truths to you.

“1. Be accepting of who you are. You are unique and you are beautiful. Don’t allow the world to dictate who you should or shouldn’t be.

“2. Beauty doesn’t come from outward adornment but from the inner self. A gentle and peaceful spirit is radiant and that shine can’t be dulled. That’s what you look for; that’s what you work for.

“3. The best OOTD is when you’re clothed with dignity and strength. Clothes may make a man but character ne­ver goes out of style.

“4. It’s about finding balance and harmony with your heart, mind and soul - the trinity of our humanity. Have a compassionate heart, a positive mind and a humble soul.

“Live your life, anak. Live a life that you can be proud of. Be a beacon of light for those who are looking for it. I will always be here for you. Love, Mama,” ang buong nilalaman ng mahabang mensahe ng aktres.

Ang daming nagandahan sa message ni Jodi na tumatagos daw sa puso at may mga nag-suggest na dapat daw ay gumawa na ng book ang aktres na ­naglalaman ng kanyang mga word of wisdom since every now and then ay nagpo-post siya ng mga inspirational message.