Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Di daw compatible, sey sa horoscope: GF ginulpi ng BF

0 324

Bagsak sa kulungan ang isang police volunteer matapos gulpihin ang kanyang girlfriend dahil lamang sa kanilang zodiac sign.

Ayon sa ulat ng Today, binugbog ng 27-anyos na lalaki ang nobya at supervisor matapos mabasa sa horoscope na hindi sila compatible na magpakasal.

Nangyari ang insidente sa Brani, Singapore noong Nov. 29, 2020. Kinasuhan na ang suspek ng 3 bilang ng kaso ng pananakit.

Hindi pinangalanan ang magjowa sa utos ng korte para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng biktima.

Bukod sa insidente, ginamit ding ebidensya ang ginawang pagbabanta ng suspek sa biktima sa cellphone na papatayin at ikakalat ang mga hubad na larawan nito online pati na ang mga litrato ng tinamong bugbog ng babae. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.