Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Di kami perpekto pero sinisikap maging patas – ABS-CBN news head

0 365

Aminado ang ABS-CBN na hindi sila perpekto tulad rin ng ibang media network ngunit sinisikap nilang maging patas, balanse at pawang katotohanan sa paghahatid ng balita.

“We strive to keep biases in check, and to report on newsworthy events, persons and issues in an accurate, fair and balanced manner,” ayon kay

ABS-CBN Head of Integrated News and Current Affairs Ging Reyes.

Humarap si Reyes sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN nitong Lunes kung saan nakasentro ang talakayan hinggil sa pagiging `bias’ umano ng network sa pagbabalita.

Ayon kay Reyes, kung mayroon man aniya silang pagkakamali ay mayroon silang mga mekanismo na magtutuwid nito.

“At the company level, we have an independent network Ombudsman who receives, investigates, and makes recommendations on complaints against news personnel. At the news division level, we have standards and news practices unit that likewise ensures our journalists adhere to our own code of ethics and observe the highest professional and ethical standards,” paglilinaw ni Reyes.

Nagbigay rin ng testimonya ang dating ABS-CBN news anchor na si Kata Inocencio at iginiit nitong sa 15 taon niya sa network wala siyang natandaang binigyan siya ng anumang kautusan para magbalita o gumawa ng balitang pabor sa sinoman o mayroong kinikilingan sa halip mahigpit nilang sinusunod ang pagiging isang responsableng mamamahayag.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.