Abante Tonite Interactive

Di kayang maglakad ng patalikod ang Penguin

19

Alam mo bang mapipigilan mo ang iyong pag­hikab kapag hinawakan ang iyong dila.

***

Mas maraming nakikipag-engage sa mga buwang ng Disyembre at Enero.

***

Hindi kayang mag­lakad ng patalikod ng Penguin.

***

Bukod tanging parte ng ating katawan na hindi kayang i-repair ang sirang bahagi ay ang ngipin.

***

Alam nyo bang ang pagnguya ng bubble gum sa loob ng isang oras ay kayang sumunog ng labing-isang calories sa ating katawan.

***

Ang pagkain ng dalawang saging ay sapat na para magbigay ng energy para sa isa at kalahating intense work-out.

***

Ayon sa pananaliksik hindi puwedeng sabay na maghilik at managinip ang isang tao.

***

Mas mabuti sa kalusugan ang paghalik sa pisngi kaysa pakikipag-kamay.

***

Upang makagawa ng isang pound ng honey ay kinakailangang maghanap ng isang bubuyog ng dalawang milyong bulaklak.

***

Dapat maging positibo ang pananaw ng isang tao upang makagawa ng isang magandang desisyon.

Related Posts

***

Para di masira ang baga ng isang naninigarilyo ay ipinapayo ng mga eksperto na uminom ng black tea.

***

Ang isang bottled water ay posibleng magkaroon ng bakterya kumpara sa tap water.

***

Alam nyo bang ang paboritong mong avocado ay lason sa mga ibon.

***

Ang sapatos na suot ang mas unang napapansin sa isang tao, kaya dapat laging malinis at presentable ang sapatos.

***

Ang pagkain ng tsokolate habang nagri-review at nag-aaral ay malaking tulong sa utak para madaling matandaan ang mga aralin.

***

Isa sa madalas makalimutan ng mga travelers ay ang kanilang sepilyo.

***

Lahat ng bitamina ay taglay ng isang itlog mali­ban sa vitamin C.

***

Ang carrots ay nagtataglay ng zero fats.

***

Mas magandang pampagising sa umaga ang mansanas kumpara sa kape.

***

Alam nyo ba na dalawa sa limang katao ang pinapakasalan ang kanilang first love ayon sa pananaliksik.