Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Di ko nilulustay datung ni Robin – Mariel

0 138

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang nagulat sa pahayag noon ni Robin Padilla na sa kabila ng maraming taong pagtratabaho nito sa industriya ay wala itong naipon.

Paliwanag naman ng actor, ang pera raw niyang kinikita ay sapat lang sa pangangailangan ng kanyang pamilya at mga anak.

Ang karamihan daw kasi ng kanyang datung ay napupunta sa kawanggawa.

May museo siya at foundation na tinutulungan at ginagastusan.

Marami rin siyang proyekto tulad na lamang ng pabahay niya sa Marawi.

Sa kanya namang vlog, nilinaw ni Mariel ang mga akusasyon na nilustay niya umano ang savings ni Robin.

Aniya, bago pa man niya naging asawa si Binoe ay may sarili na siyang ipon.

Pinaghirapan din daw niya ang kanyang ipinambili sa luxury items tulad ng mamahaling clothes at designer bags.

“Para clear natin sa kanila, yung pera ko, pera ko! Yung pera mo, pera mo! “Pero siya (Robin) ang nagbibigay para dito sa bahay. Pero yung mga luho ko, mga mamahaling damit para sa anak ko, basta anything luxury, something out of the necessity, akin yun galing. Kasi minsan sinasabi nila, inuubos ko raw pera mo. Yung mga kalokohan ko, akin yun, hello! Nagtatrabaho ako, masipag ako,” paglilinaw niya.

Si Mariel ay puring-puri naman ng mga netizen dahil sa pagiging masinop.

Personal nitong inaasikaso ang kanyang food delivery business kung saan ang kanyang mister na si Robin pa ang naire-request na mag-deliver.

Leave A Reply

Your email address will not be published.