Abante Tonite Interactive

‘Di lahat ng tulong pino-post sa social media – Luis

1,236

Si Congresswoman Vilma Santos-Recto ay aligaga rin sa pamimigay ng tulong sa mga nasalanta, lalo na sa constituents niya sa Lipa.

Pumunta sa evacuation center si Cong. Vi, kinausap ‘yung mga biktima at pamilyang nawalan ng tirahan, na niyayakap at hinahalikan pa niya ang mga bata at sanggol.

Nagpasalamat si Ate Vi sa anak niyang si Luis Manzano sa mga relief goods na pinadala nito.

Si Luis ay may mga tweet na sinasabi nito sa mga netizen na hindi lahat ng pagtulong ay kailangang makita sa social media.

Kung gusto raw i-post ay good pero kung ayaw i-post ay good din. Ani Luis, ang ibang tao kasi, ang basis ng ‘legit’ na pagtulong ay kapag naka-post sa social media.

Hirit ni Luis, “With everything that has been said and done, do what you want to do. Gusto mo tumulong and post? Great job. Gusto mo tumulong behind the scenes? Great job pa rin.

“But never invalidate help or someone just because it is not posted online! Laban tayo, Batangueños. God bless!”

Ni-retweet ni Alex Gonzaga ang tweet na ‘yon ni Luis at may hanash din ito sa Twitter na, “I appreciate everyone na tumutulong sa nasalanta nating kababayan.

“However, boyfriend ko po konsehal ng Lipa at ako man po maraming kakilala sa Batangas kaya bago niya pa po kami husgahan at i-demand na tumulong, naisip na ho namin ‘yan. Hindi na po kailangan i-post ang tulong.” (Allan Diones)