Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di lang mga taga-NCR ang delikado sa COVID

0 124

Ramdam ko ang hinaing ng dalawang mambabatas kaugnay sa mabagal na suplay ng bakuna sa mga probinsya.

Base sa pinakahuling datos na nakalap ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co, 16 out of 17 regions sa Pilipinas ang ni hindi pa umaabot sa 35% ang bahagdan ng mga fully-vaccinated. Dahil sa nasabing datos lumalabas na napag-iwanan nga ang mga nasa probinsya.

Sa Bicol region 16.83%, BARRM 9.47 percent.

Ilan lamang ‘yan sa inilabas na numero.

Hindi ba’t nakakabahala ang ganitong sitwasyon? Malalayo ang probinsya at alam nating napakahirap nilang maka-access sa mga ospital kapag nasapol ng COVID.

Kaya sana ngayong naka-80% na sa mga NCR na ang bakunado bigyang-pansin na ang mga lalawigan.

Milyun-milyong bakuna ang ibinibida ng gobyerno, nasaan ang mga ‘yan bakit hindi madaliin ang paghahatid ng mga ito sa mga probinsya?

Magwa-walong buwan na mula nang magkaroon ng bakuna ang Pilipinas kaya dapat naman sana ay ayusin ng mga tinaguriang COVID czar ang distribusyon ng bakuna.

SM food to go Banner Ad

Batid ko mismo ang kakuparang ito ng gobyerno sa pagbabakuna dahil sa aming bayan sa Botolan, Zambales ay dalawang beses lang sa isang linggo ang schedule ng bakuna.

Ibig sabihin, kung 2 beses sa isang linggo, mababa pa rin ang bilang ng nabakunahan kaya delikado pa rin sa virus ang mga residente rito.

Hindi ko lang alam sa ibang bayan kung ano ang schedule ng pagbabakuna nila.

Kung sa Zambales na malapit pa sa Metro Manila ay ganito na kabagal ang bakuna rollout paano pa sa mas malalayong lugar?

Vaccine czar Carlito Galvez at sa iba pang nakatoka sa trabahong ito, parang awa nyo na pansinin n’yo rin ang malalayong lalawigan.

Baka naman nagpapadala kayo sa mga probinsya pero hindi naman maayos ang sistema kaya pumapalpak ang bakuna rollout.

Masisira si Pangulong Rodrigo Duterte sa galawan sa baba dahil sandamakmak na bakuna na ang nasa bansa tapos ay may ganyang isyu na marami pa rin ang hindi nababakunahan.

Ang tanong, hindi kaya sinusubi ng mga mayor, governor para magamit nila sa pagpapapogi sa panahon ng kampanya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.