Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di lang pinakamalakas, pinakamasuwerte rin!

0 220

Naitala na po sa Philippine sports history na pinakamalakas at pinakamatagumpay sa may 97 taong pagkampanya natin sa Summer Olympic Games ang Team Pilipinas sa 2020+1 Tokyo Olympics sa Japan nitong July 23-August 5.

Iyan po ay sa bisa ng best-ever finish ng ating delegasyon sa quadrennial sports conclave na 1-2-1 gold-silver-bronze medal.

Salamat sa mga Mindanaoan na sina women’s weightlifting 55-kilogram division gold winner Hidilyn Diaz, boxing silver medalists Nesthy Petecio (women’s featherweight) at Carlo Paalam (men’s flyweight), at nag-bronze na siEumir Felix Marcial (men’s middleweight).

Milyon-milyon ang mga naging pabuya sa apat nating national athlete bukod sa mga condominium unit at house and lot sa iba’t ibang lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero maitatala rin sa kasaysayan na ang 2020+1 PH Olympic squad ang pinakamasuwerte dahil sa mga regalong umabot din ng P1M bawat isa sa mga hindi nakamadelya. Mula sa Philippine Olympic Committee-MVP Sports Foundation ang P500K, P250K sa Philippine Sports Commission at P200K kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sila ay pole vaulter Ernest John Obiena at Kristine Marie Knott ng athletics, gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Juvic Pagunsan, Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, rower Cris Nievarez, taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa, skateboarder Margielyn Didal, shooter Jayson Valdez, boxer Irish Magno, judoka Kiyomi Watanabe, weightlifter Elreen Ann Ando, at swimmers Remedy Rule at Luke Gebbie.

Bago pa umalis, may P50K allowance na mula sa PSC ang 19 na manlalaro at P100K buhat kay Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.