Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Di lang sasakyan: Tao sa Cebu may color coding din

0 345

Nagpatupad ng color coding scheme ang lokal na pamahalaan ng Cebu para malimitahan ang paglabas ng mga tao bilang bahagi ng hakbang na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Nabatid kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, ang bagong quarantine pass sa siyudad ay naglalaman ng QR codes .

Ang passes ay iisyu sa kada tao sa household at hindi transferable at number coded kung saan nakalagay na ang bearer ay pinapayagan lamang na makalabas sa nakatakdang araw.

“We divided them into 2 groups. ‘Yung mga passes na ang QR code ng mga barangay ends in odd numbers makalabas lang sila Lunes, Miyerkoles and Biyernes. ‘Yun namang quarantine pass na ang ending ng QR code number ay even, makalabas lang sila ng Martes, Huwebes at Sabado,” ayon sa alkalde. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.