Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Di Lotlot: Janine mana kay Nora

0 319

NI:ALWIN IGNACIO

Si Nora Aunor, ang kauna-unahang URIAN Best Actress para sa pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos.” At ang pinakabagong best actress na may stamp of acting excellence mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, si Janine Gutierrez para sa “Babae at Baril.” Of course, alam nating apo ng nag-iisang Superstar ang dalaga.

Hindi lotlot (talo) si Janine sa nasabing kategorya na tinalo sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Bela Padilla.

With this major acting victory, what happens next kaya sa karera ni Gutierrez? Matagal pa ang movie niya with her kapwa URIAN winner, si Paulo Avelino, ang “Ngayon Kaya” mula sa TREX Entertainment committed pa rin sa Metro Manila Summer Film Festival kaya may bago kaya siyang gagawing pelikula bago ito maipalabas?

Eh sa telebisyon, sa GMA 7, may bago ba siyang uumpishan na drama na siya muli ang magbibida? Ngayong alam na nila na mahusay si Gutierrez, makaka-asa ba tayo na “no acting please” rin ang ipapakita niyang pagganap at hindi yung the usual melodrama school of acting na marami na talaga ang yamot na yamot?

I cannot help but wonder, kailan kaya ang victory party ng Kapuso station para sa kanilang newly proclaimed best actress? Don’t tell me gagamiting excuse ang pandemya at too insensitive na magkaroon ng kasiyahan kasi nga marami ang nag-suffer nitong magkakasunod na bagay?

Juice colored! It is not every day na may itinatanghal na pinakamahusay na aktres sa mga artistang babae sa ka-Siyete tapos super prestigious ang award giving body, sapat na ba talaga yung may news article sa online portal of the network?

Siguro naman may panayam na ang “24 Oras” sa kanya dahil kung wala pa, nakakawindang naman yun, hindi ba naman? Kung ang mga buwaya, butanding at sawa may news air time tapos a best actress win of Ms. Gutierrez waley? Ang cruel naman nun!

Ang sa akin lang, kung si Kathryn Bernardo siguro ang nanalo, malamang kahit wala na ang ABS-CBN, trumpeted all over sa kanilang digital universe ang victory ni Kath.

After a day, may victory lunch or dinner na agad with media si Queen Kath. At talagang nakapila na agad interviews nito sa broadsheets, tabloids, glossies at portals.

May chance na kung may MOR pa, may radio guesting pa kasi nga “feat” naman talaga na manalo ka isang giving body na may pribelihiyong magsuplada.

Sana naman, ang mother network ni Janime Gutierrez, ipadama talaga na proud sila sa kanilang best actress Kapuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.