Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Di marunong lumangoy, tinedyer todas pag-dive

0 40

PATAY ang isang binatilyo nang nalunod matapos tumalon upang maligo sa ilog kahit hindi ito marunong lumangoy sa Silang, Cavite Martes ng hapon.

Namatay noon din ang biktimang si Drin, 16, estudyante ng Silang Crossing East, Olivarez, Tagaytay City.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Pat. Minervin Castillo,ng Silang Police Station, ika-4:00 ng hapon nang naganap ang insidente sa ilog sa Destura St., Brgy Malabag, Silang Cavite kung saan dumayo ang biktima at ilang kaibigan nito.

“Nagkantiyawan ang mga bata at nagsipagtalunan sa ilog kaya tumalon din ang biktima, eh hindi niya akalain na malalim pala at hindi siya marunong lumangoy” ayon kay Castillo.

Nabatid na nasa 12 feet ang lalim ng ilog. Tinangkang sagipin si Drin ngunit di na naisalba. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.