Abante Tonite Interactive

‘Di matawarang pagmamahal ng isang ama

568

Mahalaga ang haligi ng tahanan, dahil dito humuhugot ng lakas ng loob ang kanyang pamil­ya.

Kaya hindi biro at hindi matatawaran ang pagsisikap ng isang ama na maitaguyod at alagaan ang ipinagkaloob na isang “special child”.

Pagdating sa pag-aalaga ng isang anak lalo na kung kaiba sa ibang bata, ay napakasakit sa isang ama dahil hindi nito ginusto ngunit wala siyang magawa kundi kandilihin, at alagaan ito.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman nais balikan ang tagpo ng isang mag-ama sa isang pampasaherong bus na nag-viral sa social media dahil sa pagbabahagi ng nakasaksing netizen na si Marivic Ando Natividad.

Ganito ang kuwento ni Marivic: Isang umaga, natunghayan ko ang isang tagpo nang sumakay ako ng bus upang dumalaw sa isang kamag-anakan, umupo ako sa likod ng drayber ng bus at may nadatnan at nakatabing akong isang bata. Kinalabit ako at nginitian, napansin ko na isa itong “special child”.

Masayahin, at nakangiti sa mga pasaherong sumasakay. Alam niya ang lahat ng hinihintuan ng bus at ang mga kalsada na sumisigaw kapag may bumababang pasahero.

Habang pinapanood ko, nagsalita ang bata at sabi “papa…papa”.
Sabi ng drayber “bumalik ka sa upuan mo huwag ka dito, bawal ka dito…baka mahuli tayo ng pulis.”

Nagkatingin ang ilang pasahero at napangiti, na nagpapahiwatig na sa kabila ng kalagayan ng bata ay hindi alintana ng ama na ang kanyang anak ay isang “special child” ngunit pinapagaan nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsasaya.

Maligayang araw sa mga ‘haligi ng tahanan.’ (Mina Aquino)