Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di na dapat nag-socmed

0 526

Ginaya ni Eumir Felix Marcial ang national boxing teammate at kapwa 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan-bound na si Irish Magno.

Martes, March 16 nang mag-post sa social media account niya ang 29-year-old, 5-foot-2, Janiuay, Iloilo native at civilian amateur boxer.

Dinaraing ang two months delayed ng Philippine Sports Commission allowance niya. Inalis niya kinabukasan ang pahayag ang nag-sorry.

Huwebes naman nag-post ang 25-anyos, 5-8 ang taas, tubong Zamboanga City at Air Force personnel na si Marcial, dumo-double bilang national pug at professional boxer dahil sa open boxing na sa Olympics.

Noong isang taon pa sa lupain ni Uncle Sam nang lumaban at manalo kay American Andrew Whitfield noong December sa una niyang pro fight.

Marami aniya siyang pangangailangan na hindi pa natatanggap sa PSC, kasama rin ang sahod.

Pasalamat din siya sa handler niyang sina Sen. Emmanuel Pacquiao at Manny Pacquiao Promotions president Sean Gibbons na nag-aalaga raw sa kanya sa Tate.

Sa pananaw ng TP, hindi na dapat ginaya ni Marcial si Magno.

Kasi sundalo siya, national treasure at pro boxer pa.

Sana nag-followup na lang siya sa Association of Boxing Alliances in the Philippines na siyang makikipag-ugnayan naman sa PSC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.