Abante Tonite Interactive

‘Di na excited? Pagbabalik ni Lloydie ipinaubaya sa management ni Toni

701

Ang diva that you love, hindi na nagtataka at nahihibang kung bakit mainam ang pagtanggap at pagyakap sa “Home Sweetie Home Extra Sweet.” Kung pagbabasehan ang kanilang mga verbal at non-verbal action sa ginaganap na press payanig, alam mong hindi lang sila magkakaibi-gan, para na silang isang masaya at malaking pamilya.

Chika nga ni Toni Gonzaga: “Sobrang bonus lahat ng pangyayari. Nu’ng nagsara ‘yung old chapter ng ‘Home Sweetie Home’ mabigat sa loob ko dahil magpapaalam ka sa pamilyang nakasanayan mo. Pero noong nilatag na ‘yung bagong pamilya, doon ka naman na-excite. ‘Ay, eto pala ‘yun kasi maganda ‘yung susunod na chapter.. Maganda ‘yung mga makakasama ko. Wala nang kailangang adjustment.

“Very thankful, very blessed,” patuloy nito. “Para na siyang sistema ko na e­very Tuesday ay may taping ako. Alam mo ‘yung feeling na there was a time for year na we were taping one episode at a time. We were taping one taping for a week kasi iniisip naming na baka ito na ang last, hanggang sa dahil hindi naman tayo binitawan ng Kapamilya natin, nandoon ang suporta nila, nagtuloy-tuloy kami hanggang sa nagkaroon na ng bagong mukha. I’m very grateful dahil may sitcom ang ABS-CBN na tinatangkilik ng mga Kapamilya natin.”

Handa ba siya kung sakaling sa malapit na hinaharap, makakasama nilang muli ang actor in sabbatical na si John Lloyd Cruz? Pagpapakatotoong sagot ng nag-iisang Mrs. Paul S­oriano: “Honestly, ang tagal na naming na-discuss ‘yan, mga two years na. I am not sure sa magiging decision ng management. Si Julie, ‘yung character ko, maghihintay lang siya kung eto na ang mangyayari. Ewan ko. Hindi ko rin alam kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. We just take it one day at a time kung ano ang mangyayari kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari.

Ang iba pang dahilan kung bakit mas palong-palo ngayon ang show ay sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Bayani Agabayani, “PBB Otso” housemates Fumiya Sankai at Yamyam Gucong and Ms. Rio Locsin.

Clueless pala siya sa extension ng show, huh! “Honestly, ako ang huling nakaalam sa lahat ng cast na dumating. ‘Yung last taping namin ay hindi ko pa alam na ‘yon na pala ‘yun. Parang nagulat ako. Kasi hindi ko alam kung everything was planned a month ago. Basta sinabi na lang na eto na ‘yung bagong look ng ‘Home Sweetie Home.’ Actually, tinext pa ako ni Ms. Marvy na kakausapin niya ako. ‘Ah, eto na ‘yun. Ba-bye na. Tapos na, magpapaalam na kami. Tapos na ‘yung buong run ng programa.’ Hindi pa ako makapaniwala na makakasama ko si Alex (Gonzaga). ‘Sigurado ba sila?’ inisip ko na siguro hindi ma-approve si Alex.’ Sabi ni Ms. Marvy, ‘approve siya.’ Ha?

Talaga?’sinabi niya si Vhong, si Luis, si Kuya Yani, si Ms. Rio. “Nagulat ako, natuwa. Alam mo ‘yung na-excite ka kasi bagong mukha talaga ng programa.”

Si Vhong ba ang bagong leading man niya sa sitcom, unsure si Toni. “Hindi natin masasabi. Sa ngayon hindi naming siya isinasara ‘yung possibility na ‘yun. Alam ko open ang programa kung saan siya tatakbo. Siguro makikita natin ‘yan in the coming days or coming.”

Si Luis Manzano na Pip sa bagong programa ang nagka-something kay Toni dati. Sayang wala si Manazano sa payanig, bet ko naman malaman kung ano ang kanyang pakiramdam na katrabaho niya si direk Bobot, si E­dgar Mortiz na orihinal na ka-love team at minsan ay minahal ni Vilma Santos na mommy dearest niya, Ano ito, ungkatin ba talaga ang Vi and Bot, ang bago-bago, huh! Ano ito, homage sa D’Sensations? Ang saya-saya! Hahahaha!

Ang bagong-bago, hindi na umapoy pa ang chikang persona non grata si Alex Gonzaga sa Parañaque City. Mukhang cooler and objective heads prevailed kaya all is well na sa dalagang makulit at sa lungsod.

Ang mahusay at paboritong kong aktres na si Ms. Rio, breather ang turing sa sitcom at siya ang ka-love story arc ni direk Bobot.

Basa ang pantyliner kina Fumiya, YamYam.

Ang diva that you love, ang pinakamalaking pagtataka, may fans pala itong sina Fumiya at YamYam. Kung bakit may mga tumitili, naghuhumiyaw at maaring basang-basa ang mga pantyliner dahil sa kanila, tanging ang mga Pulis Pangkalawakan lamang ang nakakaalam.