Abante Tonite Interactive

‘Di nabigyan ng resibo, mag-nanay sinapak ng nangungupahan

226

Arestado ang isang lala­ki matapos mambugbog at manakit ng dala­wang babae kabilang ang kanyang landlady kamakalawa sa Brgy. Sto Niño, Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o physical abuse at physical injury ang suspek na si Alvin Tolentino y Francisco, nasa hustong gulang, residente ng nasabing barangay.

Naganap ang insidente bandang alas-7:30 Miyerkoles ng gabi sa labas ng bahay ng mag-inang sina Norma Belarmino y Cadlaon, 45, at Michelle Tolentino y Belarmino, 22, accounting assistant, kapwa taga-17 Opal St., Brgy. Sto Niño.
Sa imbestigasyon ng Marikina PCP-3, lasing na pumunta ang suspek sa bahay ng mag-ina at pilit na nanghihingi ng resibo sa bahay na kanilang inu­upahan subalit tumanging magbigay si Belar­mino dahil gabi na umano at lasing pa dahil baka mawala pa umano ang resibo at kinabukasan na lamang ibibigay.

Dahil sa pagkairita, hinila, sinuntok ng suspek sa mukha si Norma at pinagsisipa.

Nang makita ito ng anak na si Tolentino ay tinulungan ang ina pero maging siya ay sinaktan din ng lasing na suspek.