Abante Tonite Interactive

‘Di naman Pinoy! Cayetano binakbakan sa Kobe exhibit

650

Kinuyog ng mga netizen si House Speaker Alan Peter Cayetano sa inilunsad nitong Kobe exhibit sa Kamara na isinabay pa sa ginagawang hearing ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal.

“Pilipino ba si Kobe? Pambansang bayani? Congressman? Bakit may exhibit sa Congress? Shit what a waste of taxpayers time and money,” reaksyon pa ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino.

“Eh mas importante daw si Kobe sabe ni Cayetanong TUTA!” sabi ni @chronus14.

“Shhh, crush nya kasi si Kobe,” lahad pa ng isang tweet.
“Exactly! That Cayetano is a shame to his father’s legacy,” turan pa rin ni @GieGalman.

“Isa ka rin pala sa nagagahol ang isip dahil sa prangkisa ng NEGOSYO NG ISANG OLIGARKO,” sabi pa ni @loidasandiego77.

“Marami silang pera pagcollect bakit ba???!!!,” sabi naman ni @alandbest.

Enero pa umano nakatakda ang nasabing exhibit kung saan ipinapakita ang mga portrait ni Bryant kasama ang mga replica ng jersey nito at basketball shoes na ginamit nang bumisita ito sa Pilipinas noong 2016.