Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di pa limot ng mga Pinoy Sumpa vs Korea tinapos ni Alapag

0 321

August 11, 2013 sa MOA Arena, ibinaon ni Jimmy Alapag ang dumadagundong na 3-pointer at naligtasan ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa semifinals ng FIBA Asia Cup.

Pitong taon ang nakalipas, inuulan pa rin ng papuri si Alapag.

Hindi pa malimutan ng Pilipino basketball fans ang dagger ni Alapag.

Lamang ang Pilipinas 81-79 sa loob ng final minute, nagmaniobra ang Gilas ni coach Chot Reyes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagbigay ng high screen si Marc Pingris, nakawala si Alapag at pinakawalan ang pamatay na tres sa tuktok.

Sinundan ng tanaw ni Alapag ang biyahe ng bola, habang hindi pumapasok sa net ay hindi rin bumaba ang kanyang follow-through.

Bang!

Hindi na nakadiskarte ang Koreans sa nalalabing 6 seconds.

Halos magiba ang MOA sa nagdedeliryong fans. Natapos ang Korean curse sa Philippine basketball, makalipas ang apat na dekada ay bumalik ang mga Pinoy sa World Cup – nagka-ticket sa pa-Spain. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.