Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di patay-gutom: Angel bugbog sa GMA

0 1,820

NI: VINIA VIVAR

Binanatan naman ng GMA scriptwriter na si Suzette Severo Doctolero si Angel Locsin dahil kasinungalingan daw ang ilang sinabi nito sa noise barrage rally ng ABS-CBN last Saturday. Tinawag niya pang exaggerated ang aktres.

Ipinost ni Suzette ang isang sinabi ni Angel na “Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko.”

Ayon kay Suzette ay kasinungalingan daw ito at exaggerated.

“A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka.

“Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right?

Pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes!” ang bahagi ng mensahe ni Suzette kay Angel posted on her FB account.

Ipinaalala rin ng GMA-7 scriptwriter ginawa nilang Darna si Angel.

“Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?” pahayag pa ni Suzette.

Sa pangalawang post niya ay kinuwestiyon naman niya ang sinabi ni Angel na wala siyang share sa ABS-CBN. Nag-attach siya ng larawan ng listahan ng top 100 shareholders ng network kung saan ay nakalagay sa no. 29 ang pangalang Angelica Colmenares na alam naman ng lahat na real name ng aktres.

Caption ni Suzette, “Saka anong wala kang share? Ano ito?? Totoo ba ito o fake news? Tsk. Masisira ka yata sa mga padrama mo oy. Ayos na lumaban ka pero wag po sanang liar? Kung totoo man ito ha?”

Sumagot naman ang isa pang GMA-7 writer na si RJ Nuevas at pinatotohanan ang sinabi ni Suzette.

“Ang alam ko, noong nasa gma ka, 60m+ ang kita mo endorsements alone. So nung lumipat ka sa abs, di totoong walang wala ka. Gma ang tumulong sa yo nung walang-wala ka. Hindi kita inaaway ha? Just setting the record straight. Peace,” komento ni RJ.

Maging ang anak ni GMA Chairman and CEO Atty Felipe Gozon na si Annette Gozon Valdez ay nagkomento rin.

“Sayang kapag may mga exag na statements. Falsus in uno, falsus in omnibus,” komento ni Annette na siya ring Presidente ng GMA Worlwide and Films.

Well, alam naman natin ang buong istorya ng paglipat ni Angel sa ABS-CBN mula sa GMA-7 dahil well-publicized ito and we agree na may mali talaga sa statement ni Angel. Lumipat siya sa panahong sikat na sikat siya sa GMA-7 at tama si Suzette na ang laki ng net worth niya that time. Nakalimutan na kaya ni Darna ‘yun?

Leave A Reply

Your email address will not be published.