Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di pinayagan sa online exam nag-suicide

0 125

Isang lalaking estudyante mula sa University of Eastern Philippines (UEP) sa Northern Samar ang sinasabing nagpakamatay dahil umano sa depresyon matapos na hindi ikonsidera ng dalawa niyang guro ang pagsailalim niya sa online examination dahil nahuli siya sa pagsusumite ng requirement.

Hindi binanggit kung sa paanong paraan nagpakamatay ang estudyante ng Department of Criminology, College of Arts and Communications noong Martes, Hulyo 27.

Batay sa huling message ng lalaki, kaya nahuli ang pagpapadala niya ng mga kinakailangang requirement para sa online exams ay dahil mahina ang signal sa kanilang barangay. Napaulat na na-late lang siya nang dalawang minuto sa deadline.

“Sir nakikiusap po ako. Pasensya na po sir, ang signal talaga po dito sa amin, mahina dahil barangay lang po kami. Naka-send naman po ako on time, nag-sending lang po,” chat ng estudyante sa kanyang guro, sa wikang Samareño at sa ulat ng Northern Samar News and Information.

Batay naman sa pahayag ni UEP President Cherry Ultra, nakakaalarma at labis nilang ikinalungkot ang sinasabing pagpapatiwakal ng estudyante kaya kanila na itong pinaiimbestigahan at kapag napatunayang may pagkakasala ang faculty members ay papatawan nila ito ng kaukulang parusa.

“The university is deeply saddened and alarmed by the fact that this incident happened, hence, it is incumbent upon us to conduct a thorough investigation for the determination of truth and accurate facts. Consequently, on the basis of the result of the investigation, faculty members who will be found responsible will be dealt with accordingly, consistent with the basic tenet on due process.”

Samantala, hiniling ni UEP University Student Council President and Student Regent Seary Anne Ballicud kay Ultra na magsama ng student representative sa fact-finding investigation committee hinggil sa suicide.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinunto rin ni Ballicud sa pulong ng Board of Regents kahapon ang mga suliranin na kinahaharap ng mga estudyante ng UEP kaugnay sa blended learning ng pamantasan.

“[Victim] was denied acceptance of his submission of his exam because he was late for two minutes, which was because he could not find stable internet connection at the time of their exam. This unstable internet connectivity highlights the weak IT infrastructure that the University Student Council through its resolutions pointed out as a reason for the postponement of the opening of classes and a very important factor for the adaptation of blended learning in the university,” ayon sa SR.

“The dreams and hopes not only of one student but his whole family have now become impossible. I implore the university and this Board to not waste another valuable hope and dream of the society and a better Philippines. Let us address the pressing issues that concern our students, the largest stakeholder of the university. Now,” dagdag niya.

Magugunitang nalaman ng Commission on Audit na P1.33 bilyon lamang o 40.61 porsyento lang ng P3.3 bilyong pondo para sa online learning ang nagamit ng Commission on Higher Education. Ayon sa grupong Student Christian Movement of the Philippines, “Ang mga nasayang sa pondo ay pinamahagi sana para sa internet at module allowance ng mga estudyante.”

Samantala, hinamon ng Rise for Education Alliance-UP Diliman ang CHED, Department of Education, at gobyernong Duterte na tugunan ang ‘lumalalang krisis at kahirapan sa sektor ng edukasyon.’

May nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin o nanganganib na mag-suicide.

Puwedeng tawagan ang National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone (0917-899-8727) o telepono (7989-8727 o 1553). (Dolly Cabreza/Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.