Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di protektado sa COVID! Mga nurse nagprotesta vs San Lazaro Hospital

0 200

Nagkasa ng “silent protest” ang mga nurse ng San Lazaro Hospital matapos itanggi ng pamunuan ng ospital ang hindi patas na pagtrato sa kanila.

Sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harap ng ospital, isinagawa ng mga nurse ang protesta noong Huwebes dahil sa umano’y hirap na nararanasan ng mga ito sa panahon ng pandemic.

Kabilang sa inirereklamo ng mga frontliner ang kakulangan nila ng supply ng mga personal protective equipment (PPE), walang suporta sa kanila sa transportation at accommodation, at stress debriefing.

Pati na rin ang hindi makatarungang sahod at hazard pay.

“Hihintayin pa ba nating wala nang magsusuot ng mga sapatos na ito? #wearenotrobots,” pahayag ng Filipino Nurses United (FNU) sa ulat ng ABS-CBN.

Nakaraang linggo naglabas ng pahayag ang mga miyembro ng FNU sa San Lazaro Hospital na inirereklamo ang pagiging overworked nila at hindi protektado sa COVID-19.

“Nursing staff and other healthworkers are treated as robots not human beings. The patient does comes first but their (health workers) safety should be top priority for if we get infected no one will be left to care for the sick,” giit ng grupo.

Kaugnay nito, isang manggagawa ng San Lazaro Hospital ang pumanaw noong Huwebes dahil sa COVID-19, ayon sa Facebook post ng Alliance of Health Workers – AHW National.

Pakikiramay at pagpupugay sayo Manong Nick. ✊❤️Si Manong Nick ay isang manggagawang pangkalusugan ng San Lazaro…

Posted by Alliance of Health Workers – AHW National on Thursday, July 16, 2020

(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.