Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Di puwedeng e-power kada problema – Leni

0 77

Hindi na kailangan pa ng emergency power ni Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa korapsyon, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Robredo na napapansin niya na tila kada may problema sa halip na busisiin ay laging sigaw ng mga kaalyado ng Pangulo na bigyan ito ng emergency power.

Dagdag pa ni Robredo, base aniya sa pahayag ng ilang mga constitutionalist na nauna sa kanya magbigay ng opinyon, may kapangyarihan naman ang Pangulo na i-reorganize o buwagin ang PhilHealth.

Marami rin umanong opisyal ang tutol sa pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Duterte kaya dapat munang pag-aralan itong mabuti bago gawin. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.