Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Di resbak vs San Juan – Yee

0 506

Para kay Mark Yee hindi paghihimagsik niya at ng Davao Occidental ang pagtapos sa San Juan Knights Go For Gold sa apat na laro para mapanalunan ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 National Championsip sa Subic Bay Gym bubble nitong Linggo.

“Hindi naman siguro bawi. Sa amin, naging gutom lang kami saka naging humble kami lagi, kasi nga hindi naman talaga namin intensyon kung sino ang makalaban namin. Focus lang kami. Basta ang goal namin kunin ang championship,” litanya ng 39-year ex-pro at team skipper.

SM food to go Banner Ad

Si Yee ang tinanghal na Game 4 best player, Finals MVP, Best Defensive Player of the Year at kabilang sa Mythical First Team. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.