Abante Tonite Interactive

‘Di sure ang franchise renewal ng ABS-CBN: Vice type maging presidente

677

Mapatawag kaya sa guidance office si Vice Ganda? Bagama’t hindi na mag-aaral si Jose Marie Viceral, ang biro niya kayang totoo, siyang maging dahilan para ang mga immediate boss niya sa Mother Ignacia station, siya ay patawag para mapagsabihan?…….

Ang birong totoo ni Ganda ay nangyari sa ‘KapareWho’ segment sa “It’s Showtime” kamakailan, araw pa man din ‘yun na isinisilebra ang kapanganakan ni Gat Jose Rizal, ang ating pambansang bayani.

Base sa aking pinanood, naghaharutan at nag-uusap sina Vice Ganda, Ryan Bang, Jhong Hilario, at Anne Curtis tungkol sa Anti-Fencing Law at sa usapan, hindi sinasadyang matanong ito kung bakit hindi tumakbo sa nakaraang mid-term eleksyon.

Ang emote ni Ganda, may balak siyang tumakbo sa malapit na hinaharap, gusto niya president agad at may payanig itong ang kasalukuyang Presidente ang bahala sa kanya.

Ang punchline niya kung bakit ang pinakamataas na katungkulan ang nais niyang maging posisyon: “Oo, Presidente agad. Siyempre ‘no, ‘di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-presidente agad.” Siempre pa, ang birong totoo ni Ganda ang kasunod, “Charot lang!”

Kung ang isa sa pinakamalaking artista at box-office earner ng network, kahit dinadaan sa biro, alam na alam na bothered tungkol sa renewal of their franchise, ang rank and file, ang crew at production people, tiyak hindi lang doble, baka triple pa ang agam-agam at alinlangan kung ano nga ba ang mangyayari sa pinakamalapit na panahon.

Wala namang duda na sa pagbubukas muli ng Kongreso, sa 18h session nito, may aatasan ang pamunuan ng ABS-CBN na i-refile ang renewal of franchise bill.

Maraming mga kaganapan na maaaring mangyari between now and March 2020 at ipagdasal natin na more emotionally healthy and intelligent people’s expertise and wisdom will prevail.

Huwag muna tayong kumapit sa mga doomsday scenario at mas lalong ang paniwalaan ang mga bulaan at nagmamarunong, huwag intindihin at ikibit balikat lang. Ang pagkatiwalaan ang proseso tungkol sa usapin at hayaang gumulong ang mga argumento at debatehan, pati na ang resolusyon tungkol sa franchise issue.

Hope springs eternal ‘ika nga. Walang duda na mas maraming pang mga araw na paglalaruan ni Vice Ganda ang kanilang precarious situation. Karapatan niya naman ‘yun pero hindi rin puwedeng itanggi, it hurts more, when we laugh about it.