Abante Tonite Interactive

Diakhite, Red Warriors pupulutanin ang Falcons

162

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2:00 pm – UE vs ADU
4:00 pm – ADMU vs UST

‘Di paaawat si Alex Diakhite at University of the East Red Warriors sa pagsisimula ng second round na atat mapaghimagsikan ang Adamson University Soaring Falcons sa 82nd UAAP seniors basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Babanggain ng nasa ikapitong puwesto UE (2-5) ang Adamson na nagtumba sa kanila nitong Setyembre 11 (91-80) sa alas-2:00 ng hapong komprontasyon.

Winakasan ng Recto-based dribblers 1st round sa pagkatay sa NU Bulldogs, nitong Set. 29. 78-72, sa likod ng 22 points at 13 rebounds ni Diakhite.

“Of course we’ll try to come out stronger. Sabi ko nga after the game, sa locker, the win should only serve as an inspiration para matuto kami manalo,” saad ni UE active consultant Lawrence Chongson.

Yumuko naman ang mga basketbolista ng San Marcelino na kasalo sa triple-tie sa 4th (3-4) sa FEU Tamaraws Set. 28, 78-71.

Di naipagaspas nina Val Chauca, Jerrick Ahanmisi at Lenda Douanga ang Falcons. (Janiel Abby Toralba)