Abante Tonite Interactive

Diana, Sunshine, Karylle, Iza nag-iyakan sa shooting

389

tonite-imo-vinia-vivarAfter 13 years, reunited ang apat na original Sang’gres ng Encantadia na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle and Diana Zubiri sa pelikulang “Mystified” ng Iflix.

In fact, naiyak pa nga si Sunshine sa first shoo­ting day ng movie dahil bumalik lahat sa kanya ang magandang alaalang naiwan sa kanya ng fantaserye.

“I cried on our first day wearing our costumes, coz like, it was very nostalgic for me. It has always been our dream to have our own reunion project. And when I finally saw us on costumes, I was like ‘oh, we’re finally doing it!’ And then everybody started to cry,” kuwento ni Sunshine sa presscon held last Tuesday.

Sabi naman ni Iza, “I cried the minute she cried and we were looking at each other. Apart from that, that we always wanted to do a reunion project, I think it’s more of we’ve been through so much na rin. I mean, in 13 years, nagkanya-kanya kami ng landas and life has brought us to different places and yet, here we are again, doing one thing that we know how to do best, and that’s you know, to share energy on stage and give energy to one another.”
Aminado si Shine na talagang pagkatapos ng training nila ay sumakit ang katawan niya kaya nilagyan niya ng salonpas ang buong katawan niya.

Of course, before, nu’ng bata-bata pa sila ay hindi naman nila ginagawa ito.

Pero ang nakaka-proud naman, sila mismo ang gumawa ng fight scenes nila. Although may mga digital doubles daw kung kinakailangan.

Natatawa namang sabi ni Iza, sa kanilang lahat, siya ang mas kakaunti ang fight scenes dahil sa kanyang schedules.

“Lumandi lang ako nang lumandi,” natatawa niyang sey na ang ibig sabihin ay may mga romantic scenes siya sa movie.

“But whenever I would have fight scene, I always said also, like, ‘if I can’t do it, let’s just not do that.’ I wanted to do everything myself and so, I did.”

Kate wish magkatuluyan sina Wendell, Jo

Magtatapos na ang “Onanay” ngayong Biyernes, March 15 at ayon sa isa sa main cast na si Kate Valdez, masayang-malungkot siya.

“Opo, may part pa rin sa akin na malulungkot ako. Siyempre, mami-miss ko ‘yung mga katrabaho ko, ‘yan sila Direk (Gina Alajar), mga staff dito, co-artist ko, sila Mikee (Quintos), si Ate Jo (Berry).. lahat.

“May part din sa akin na masaya ako kasi siyempre, naging successful ‘yung show at naging maganda ‘yung kalalabasan ng pinagpaguran namin. Kaya masaya na rin po ako,” sabi ni Kate sa panayam sa kanya sa set visit last week.

Ngayon ay dalawa na nga raw ang tawag sa kanya ng mga tao kapag nasa labas siya. Tinatawag siyang Mira na karakter niya sa “Encantadia” na first big break niya at Natalie na karakter naman niya sa “Onanay.”

“Aside from Mira na talagang maski nasa labas ako tinatawag akong ‘Mira! Mira!,’ ngayon as in, yung character ko ‘yung ginagamit sa akin para tawagin ako. Hindi na Kate.

“Minsan, siguro kung ‘di nila mabanggit kung ano ‘yung character name ko, pero kadalasan talaga naririnig ko ‘Natalie! Natalie! Mira! Mira!’ so ibig sabihin talaga, wow, ang galing. Ang galing pala talaga.. ‘yung mga character ‘yung talaga tumatatak sa kanila. Pati kami, ‘yung character ‘yung.. ‘pag nasa labas kami kahit hindi sa palabas, ‘yun pa rin ‘yung tinatawag sa amin, hindi ‘yung pangalan namin.”

When asked kung ano ang gusto niyang ending, aniya, siyempre naman daw gusto niyang magkatuluyan sina Onay (Jo) at Lucas (Wendell Ramos).

“Gusto ko siyempre happy ending. Opo, gusto ko na magkatuluyan kasi hindi naman… Ako, alam ko na ‘yung nangyari.. as Kate po. Hindi naman sinasadya ni Lucas, although, sobrang laking kasalanan non, pero ‘pag mahal mo ‘yung tao, I’m sure mas malaki ‘yung chance na mapapatawad mo siya. I think naman sana.. hopefully, para naman happy si Onay, happy tayo,” sey ni Kate