Abante Tonite Interactive

Diana umariba sa laban

265

Bumabalik sa pagpapasilip ng kanyang alindog ang Brazilian model na si Daiana Menezes.

Parang bumangon siya sa kanyang pagkakaidlip sa karera ng mga swimsuit beauties. Hitsurang handa na siyang umariba sa laban.

Warm-up lang muna ang ginagawa ni Daiana ngayon sa mga pagbuyangyang ng kanyang alindog. Parang kinukundisyon muna niya ang kanyang katawan sa gagawing laban.

Dumaan ang Pasko at Bagong taon, parang hindi man lamang napingasan ang kaseksihan ni Daiana. Walang nadagdag na konting fats sa kanyang katawan. ‘Yun bang tipong inamoy lang at hindi kumain si Daiana sa holiday feast ng 2018.

Kung tutuusin parang mas kumurba ang kanyang pi­gura, mas naging mo­del-type ang kanyang kaseksihan.

Isama mo pa ang kanyang magandang mukha na parang sa manika. Pati na rin ang kanyang malasutlang kutis.

Ang kanyang appeal ay hindi pagsasawaang pagpantasy­ahan ng mga kalalakihan.