Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diarrhea outbreak sa Davao City, 3 dedo

0 72

Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi matapos tamaan ng diarrhea sa Davao City na dumaranas ngayon ng outbreak sa nasabing sakit.

Ayon sa City Health Office (CHO), ang mga biktima ay isang lalaking guro na edad 32; 67-anyos na lola at 10 taong gulang na batang lalaki.

Namatay ang guro na taga-Surigao del Sur nitong Huwebes dahil sa severe dehydration.Nangungupahan ito sa Brgy. Lubogan, Toril, kung saan siya nagtuturo.

Sinabi ng CHO na pumalo na sa kabuuang 233 ang bilang ng mga dinale ng diarrhea simula Hulyo 15, kung saan 21 barangay ang apektado – 18 dito sa Toril district at tatlo sa labas ng lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.