Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diarrhea outbreak tumama sa Davao, 5 tigok

0 110

Lima na ang pumanaw habang 183 pa ang naospital sa outbreak ng pagtatae sa Monkayo, Davao de Oro.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, posibleng kontaminasyon ng cyanide ang ugat ng outbreak na nagsimula umano noong Linggo.

Bunsod nito, idineklara ang state of calamity sa Barangay Pasian, Monkayo kahapon.

Samantala, kumuha na ang municipal health office ng water sample at iniimbestigahan ang pinagkukunan ng tubig ng mga apektadong residente.

Kasalukuyang nasa barangay gym ang mga pasyente at ginagamot ng mga health worker ng bayan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.