Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, 19 pa may PSA citation

0 363

Pangungunahan ni 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang maikling 20 pero solidong listahan ng mga sportsmen at personahe na may citations sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Sabado, March 27 sa TV5 Media Center, Mandaluyong.

Kumopo ang 30-taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City ng gold meda sa women’s 55- kg. division ng Roma Weightlifting World Cup sa Italya noong January 2020 bago naganap ang pandemya upang halos masiguro ang isang puwesto sa 2020 Tokyo Olympics na ni-reset lang sa darating na July sanhi ng COVID.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakauang organisasyon ng media sa bansa na pinamumunuan ni Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, idaraos ang virtual event sa mga tulong ng Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, 1 Pacman Partylist at Rain or Shine.

Makakasama ni Diaz sina co-weightlifter Vanessa Sarno, Olympic bound Eumir Felix Marcial at Irish Magno ng boksing, at pole vaulter EJ Obiena. Gayundin sina skateboarders Margielyn Didal at Motic Panugalinog, Kristina Knott , Natalie Uy, William Morrison, at Christine Hallasgo ng track and field, karateka Orencio James Virgil Delos Santos at siyam na iba pa. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.