Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Diaz, 2 pa sasabak na sa Olympics

0 104

Sasandigan ni Hidilyn Diaz ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medal sa misyong putulin ang 96 na taong pagkauhaw ng Pilipinas sa unang gold medal sa pagsabak sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 women’s weightlifting sa Tokyo International Forum sa Japan ngayong Lunes ng alas-7:30 nang gabi.

Pagkakataon ng 30-anyos, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga City na sundalong dalaga, na mapataas pa ang unang sinungkit na medalya at tuluyang itala ang kasaysayan para sa bansa .

“It’s a lot of pressure,” wika ng barbelista na nasa ikaapat na sunod na quadrennial sports conclave.

Pero hindi madali ang dadaanan ni Diaz na kailangan daigin si Chinese world record holder Liao Qiuyun na isa rin sa mga paborito sa 55-kilogram gold.

Salang na rin sa women’s skateboarding street prelims si Margielyn Didal at si Carlo Paalam sa men’s boxing flyweight (48-52kilogram) laban kay Irvine Brandan ng Ireland, habang punirya ni Nesthy Petecio ang second win sa women’s featherweight konta Lin Yu-Thing ng Taiwan. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.