Abante Tonite Interactive

Diaz 50-50 sa Asiad gold

By
2,095

Fifty-fifty ang tsansa sa gold medal ni Hidilyn Diaz, wala nang tatlong linggo bago mag-18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Obserbasyon ito ni Philippine Weightlifting­ Association vice president­ Prof. Elbert Atilano, Sr., ang ma­nager, minsa’y umaakto ring coach ni Diaz may 18 buwan pa bago ito naka-silver medal sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Hindi masisi si Atilano, national executive director din ng PRISAA Sports Foundation, Inc. (dating Private Schools Athletic Association) at isang councilor sa Zamboanga City, dahil sa malaking pinagbago na ng takbo ng buhay ng lady lifter.

“Pa-silver sa Rio isang mahirap at pokus sa training na Hidilyn noon siya. Ngayon, mayaman na maraming destructions gaya ng speaking engagements sa iba’t ibang events,” giit ni Atilano, isa ring dating national coach, lifter sa kanyang kabataan at ngayo’y International Weightlifting Federation category 1 referee.

Pero gaya ng lahat ng Pinoy, dumadalangin si Atilano, kabiyak ni former national hoister Cecilia Chavez-Atilano, na magtagumpay ang 27-anyos na dalagang­ kababayan upang ­makopo ang unang gold ng bansa sa quadrennial Asiad sapul noong 1951.

“Si Alfoncito Aldanete ang ini-assigned ko noong coach ni Hidi sa training niya prior to the Rio Olympics, team manager talaga ako pero once in a while nagko-coach din sa kanya,” panapos ni Prof. Atilano.

Hangad ni Diaz na maging unang Pinay na maka-medal sa kompetisyon buhat sa nabanggit­ na taon o wakasan ang 47 taong tagtuyot sa Asiad medal ng mga Pinoy tapos maka-silver ni Salvador del Rosario sa flyweight o 52-kilogram noong 1970 sa Bangkok.